Monday, July 27, 2009

bubuyog talk 9: pamamaalam

kailangan eh. ako lang naman muli ang bumuong sarili kong kwento. walang ibang bida kundi ang bubuyog. eh ngayon nalaman na ng bulaklak ang totoong saloobin nya. eh di titikop na sya. wala na. ayaw na. kaialngan nang umiwas.. ..........

paalam muli.........

Wednesday, July 22, 2009

Bubuyog talk 8: Bubuyog 3 (pangatlo sa bubuyog series)

Tag-ulan naman bakit parang tag-araw?
biglang bumabalik mga bubuyog
sa talulot na mapusyaw?

lingid sa kaalamang
di na siya bumitaw
sa pangako isang araw
ngiti niya'y matatanaw.

bumalik sa pagsamsam
ang bubuyog na marikit
sa nektar, sa labing bulaklak na impit.
may dusa ba ang pagyayapos

damdaming ikinubli buwan ay bulag
sa dilim at liwanag

pagkasabik? itinanggi
pagkat ang pumpon ng masamyong hardin
nilanghap lahat ng dayuhan na hangin.

iiwasan ba ang liwasan?
bubuyog na dumaraing
ngayon nga ba ay pagbibigyan?
mukhang magpapatuloy ang paghahanapan
mukhang sa kanya,
ang talulot ay tuluyan nang maiilang..malalanta,

malalagas
tuluyan nang iiwas.....

bubuyog talk 7: Ang Kailangan ko'y kausap

Tatlong araw na akong tinatamad. Gusto lang matulog, humilata sa kama, magkulong sa kwarto at makinig ng musika sa mp4 ko. Hindi naman ako ganito eh, pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. buti na lang nga kasi iyong utak ko pag nagbasa na masipag pa kaysa sa katawan ko.
bakit nga ba? kasi nga may mga babalik. sa mga susunod na araw may mga iiwasan at may mga sasalubungin.
halos dalawang linggo na akong wala sa opisina ko at ayaw ko na bumalik, bakit? mas gustong manahimik lang sa kwarto ko. walang iniisipkundi ang mga libro ko at ang mga kasong babasahin. kahit pa sabihin na halos kaso rin naman ang binabasa ko sa opisina- at totoo pang kaso, hindi naman ako makapag-aral ng mabuti kung nasa opisina ako. lalo pa ngaun.
hindi muna ako papasok. dito muna ako sa aking lungga.
naging aktibo naman ako sa espasyo ng internet. naging maliksi ako sa kalawakan ng computer. at halos araw araw akong nasa facebook. siguro kasi mayroon akong kausap.. bakit kaya ako naghahanap ng kausap? mayroon naman akong text conference na pinauso ni kuya donald. (at naging instant press relations officer ko sya) ang aking cellphone twitter taga update ng aking lovelife na ayon sa kanya ay makulay( duh?)
makulay nga bah? eh single nga wala nga ng aksyong nagaganap. makulay pa sa lagay na yan aus!
Aktibo rin ang aking cellphone ( sa mga globe lang ha) ngaun ko lang kasi nadiskubrea ang unli text. (xawai anu?) pero gusto ko pa rin ng kakausapin. bakit kaya ganun? eh si kuya allen at kua she pati si kua donald lagi ko namang kausap. pero gustoko pa rin ng maraming kausap.
bakit nga ba ako naghahanap ng kausap? may mga bagay nanaman bang nakakagulo sa akin na sa tingin ko ay di tamang bigyan ng panahon? o totoo ung resulta ng quiz ko sa fb na totoong depressed ako... hmm.
diko alam kung ano ang kulang sa akin eh.. masaya naman ako. gusto ko lang nang ka ulayawan. me namimiss ba ako?
ewan........
( siguro dahil mayroong isang taong kulang sa phonelist ko hehehe....)

Sunday, July 5, 2009

bubuyog 6: pagbabalik

masarap kapag mayroong hinihintay hindi bah?
kahit wala namang katiyakang nasasabik din siya sa kanyang pagbabalik.
ngayon sa entry na ito, hayaan niyo lang sabihin kong, naghahalo ang nararamdaman ko.
ang daming nangyayari sa ating bansa ngayon. NAryan ang AH1N1 scare, ang nakalipas na bagyong feria, ang flu month, ang pagkakasakit ni Pres. Cory Aquino, ang cyst sa breast implant ng presidente gma, ang pagbabati ng smartmatic at tim for automated election, ang nakakabuwisit na con-ass! (ibasura!), ang kalat na kalat na sex videos ni hayden kho!.
Sobrang ang daming problema nang bansa, na halos lahat gusto tumakas sa pinas!
pero heto ako, sa halip na bigyang pansin ang mga mahahalagang bagay na iyan, heto ako, naghihintay sa sandali ng kanyang pagbabalik. eh hindi lamang siya ang umalis. marami na silang nagsipag ibang bansa. kasi nga raw wala nang asenso sa pinas. wala silang trabaho dito.
heto ako, umaasa na sana pagbalik nya eh walang nang ilangan- ibalik na lang ang pagtuturingang magkaibigan. umaasa rin ako na sanasa pagbabalik ng mga ofws wag silang mailang na magremit sa bansa, wag silang mawalan ng pag-asa sa bansa natin. kailangan talaga natin sila para mapalakas ang workforce natin. kaso tagtuyot din tau...
kasabay ng paghihintay ko sa kanya, naghihintay rin ako sa kapwa nating mga pilipino na magising at makibaka sa patutunguhan ng ating bansa.
naghihintay ako, ngunit gusto kong mayroong din gawin para sa kapwa ko pilipino! di na ako matatakot ipahayag ang damdamin ko para sa bansang ito at sana bigyan din ako ng pagkakataon gawin iyon kahit hanggang ngayon di ko pa alam kung papaano.
sana nga may pagkakataon....at sana sa kanyang pagbabalik hindi na ako matatakot.. hindi na ako papapigil!