Monday, August 2, 2010

bubuyog talk almost ending

Over you, I guess I never will be over you
I have tried but it's so hard to do
I'm surrounded by the memories
No, I never will be over you

Time goes by and I'm still holding on
Waiting for the day when you come home
If you ever change your mind again
I will greet you like a long lost friend
In my heart we've never reached the end
And I never will be over you

I will love you 'til the end of time
Even though I know that you're not mine
Just as long as there's a chance that I
Guess I never will be over you

Life's like walking down a lonely street
I see you in everyone I meet
How I long to see your smiling face
Oh, my love for you I can't erase
No one else could ever take your place
And I never will be over you, over you
---------

isa ang aking bubuyog sa mahirap kalimutan
isa siya sa mga pinangarap ko rin
nakapag-asa ngunit hindi naman nagtagal

nakakalungkot isipin na hinding hindi na siya babalik sa hardin
ang hardin na kung saan nagsisimula nang umusbong ang talulot
nagpapaganda ang bawat bulaklak at ang simpleng talulot na ito
ay yayabong na isang magandang prinsesa

pero ganun talaga, hindi pa ito ang panahon
para sa isang masayang pagdiriwang sa hardin
may darating pang ibang bubuyog

sana wag siyang maligaw

Thursday, March 25, 2010

pagbabalik

Nakakatuwa naman, ang tagal ko na kasing di nagpopost sa blog na ito. Kasi pilit ko nang kinakalimutan na minsan sa aking hardin mayroong naligaw na bubuyog. Isang bubuyog na biglang dumapo sa talulot ang sungit pa. Di ko akalain kasi na kahit na ganun ang nangyari, nasasabik ang talulot sa pagbabalik niya.

Kaso nga hindi naman maganda ang nangyari eh. Hindi naman nanatili iyong bubuyog, umaaligid lang. Nung nakita nya na di naman ata bubuka ang talulot ayun lumisan.

Hay, nakakalungkot isipin mayroon nang nasimulan pero ayaw tapusin eh. siguro ganun talaga, dahil iyong talulot hindi pa rin handa, kailangan niya ulit masaktan ng mga alikabok sa kanyang pistil, dahil iyong alikabok na un akala nya natanggal na di pa pala. at iyong alikabok na iyon pa rin pala ang nagpapabulag sa kanya.

buti na lang nagkaroon ng bagyo, pagbabago ng panahon, tag init tag araw tag ulan. at iyon natanggal na nang tuluyanang alikabok. kahit na masakit sa talulot, kailangan.

ngayon parang bumalik ako dito. nag aabang ng mga bagong bubuyog na syang mananatili na sa pumpon ng mga bulaklak kung sino man iyon ang Diyos na ang may laan. basta ako mas lalong magiging maganda