Monday, June 22, 2009

Bubuyog talk 5: Revelation

Kagabi ( June 21, 2009), lumabas ang mga dating YFC's. Reunion nga ang dating kasi, dumating ang kuya mike eleazar after ng kanyang wedding niya, nagpakita rito sa palawan. So nag-organize ang ate net para magkatipun-tipon kami. text brigade ang drama ng lola mo, kami naman ni babang na-excite.. syempre ako rin makikita ko ang kuya mike after so many years!



si kuya mike ang idolo ko sa YFC pagdating sa pagitara. Nung nakita ko sya sa youth camp dati na tumutugtog ng gitara at kumakanta, eh talagang elibs ako. ISa sya sa mga dahilan din nung elementary ako na ipursige ang pag-aral pagtugtog ng gitara. More than that, magaling din syang songwriter. Noong highschool ako, gumagawa na siya ng mga songs niya at pinaparinig niya sa amin. BAgsak lang ang panga ko lagi, lalo na pag naririnig ko ang husky voice ni kuya mike..

Kaya sa apat na hearthrob ng yfc noon- talagang crush ko ang kuya mike. Kaso ako ang taong pag-KUYA na ang turing kuya na walang hanggan. hehe.



Pero nanatili siya na isa sa mga influences ko pagdating sa songwriting. Ang huli naming kolaborasyon ay ang Youth at the Frontline na pinerform pa namin sa PYC dati. Pati pa la ang pagbabalik na hinahanap ko pa ang tape na pinagrecordan namin kasi gusto ko sya ipakanta sa iba....

at dahil nga sabik sa pagbabalik ni kuya mike, kahit di ako madalas sa salo at kahit na mejo mahihirapan akong magpaalam kay mama, hala sige, talagang sumama pa rin ako. pagtapos ng mass, sinundo na namin sila ate janet, ate meann at ate jen. eh dumating naman agad ang kuya richie kaya dun na sila sumakay. nauna na kami ni babang sa salo.

pagdating dun syemps kamustahan to the max! at syemps ako pabida kay kuya mike ng mga songs na gawa ko. at apbida sa lahat ng bago kong crush. tawa lang ang ate mean eh.
habang ang ate janet, the usual very hospitable ate, lahat inaalala.
mga 9pm, nagsimula na ang tugtugan at syemps ang paborito kong banda ang may gig ngayon-soundoze!

pagkatapos noon, akala ko nakalimutan na nila ang tungkol sa crush ko. nyay hindi pa pala. nagtatanong nga si ate jen sa akin kung sino. eh naalala ko na taga pilot sila. nasabi ko tuloy ang pangalan.
hala ito ang reaksyon:

" Siya?"
"opo"
"Good boy na ba sya?"
nagkatitigan kami ni babang.
"naging bad ba sya ate?"
"na discourage kasi ako sa kanya
nung nagkaroon kami ulit ng communication nung nasa manila sya eh
mejo below the belt ang mga text"
"gaya ng?"
"tinatanong ako kung ano ang suot ko ngayong gabi mga ganung bagay"
"tsktsk"
" saka grabeh ka rugged looking yan siya. tahimik pero nasa loob ang kulo
nagtatawanan na ang mga barkada niya sya tahimik lang"
" ooppss"
" tapos meron pa nga syang mga letters sa akin, alam monaman di kayang mag-express "
"hmmm"

natatawa lang ako sa nalaman ko. sabay text pa ni kuya donald hehehe. hay naku rebelasyon nga naman.

pero di bale na kasi ang buong gabi ay pinuno ni kuya mike ng musika. nagconcert sa salo hahaha at tlagang reunion ng yfc kasi they've conquered the stage!!

ang saya ng gabi lalona nung kumanta sila ambo, kuya richie at ka mike ng sister golden hair!

i've missed with those guys.....
sana maulit......

Sunday, June 14, 2009

bubuyog talk 4: tula

Kagabi hanggang kaninang madaling araw, walang puknat ang kwentuhang aligaga namin ni Kuya Donald. NApahaba ata ang kwentuhang iyon dahil sa ginusto kong malaman niya na minamahal ko ang panulaan.

Ang tula kasi, isa sa mga outlet ko sa buhay. dito ko nabubuhos ang mga tinatago kong damdamin. dito ko sinasabi ang mga di ko masabi nang di ako mabubuko, di ako mabibisto.

sabi ni kuya donald kagabi, dapat lang na ang mga tula ay basahin ng maka-ilang beses para unawain. kaso daw iyong sa akin, halatado..
sabi ko sa kanya, kaya lang naman iyon halatado dahil may alam sya sa akin.. laging mayroong ibang kahulugan ang mga habi ko. di iyon iisang paksa lamang.. unti-unti nakikita ang lalim ng mga pinaglalaruang salita.. nakatiklop ang ideya sa mga simple at litu litong panitik.

minsan lang ulit ako makakagawa ng tulang nagpapantig ng utak.. kasi ngaun mukhang puso lang ang nanaig eh...
di bale sa mga susunod na araw, susubukan kong magpadugo ng utak.. kahit minsan lang..

(i-eedit ko ito)
"ito nanaman sya."

kalimitan, ang inaaninag ko ay bitwin
at ang kalawakan
at hindi ang kwadradong screen na ito

wala akong balak na pagnasahan
ang kalawakang maari lang abutin
dahil iba ang naisin
iba .

sana nga lang kung totoo ang naka imprenta
sa'yo
sanay mayakap kita ng buong buo
para wala na itong
pangungulilang todo..


hay naku

Thursday, June 11, 2009

Bubuyog Talk 3: FMA

Have you watched the Bourne Identity or Taken? The action scenes in these movies are too breathtaking. Every move of attack is so precise and calculated that every contact is so fatal. What amazes me is that these very artful martial arts and very deadly defense came from our ancient defenses. Yes, it is called callie alongside with arnis and eskrima fighting. It is called the Filipino MArtial arts.

I am always an avid fan of martial arts. When i was young, I always accompany my siblings in their taekwondo class just to spare some time to imitate the kicks of their masters. I love the sparring time in their routinary practice. I was not able to join my siblings because i have no money to pay for their so expensive fees.

When I was in second year highschool, we had a tricycle driver who happened to have a blackbelt in aikido. He spent saturdays with us just to teach us the fundamentals of this self defense. He encouraged us (my brothers) to honed our self defense skills to protect us anywhere. Little did we know that he was a secret agent working for the AFP and he needed to survey the streets of the city to accomplish a secret mission. and of course the smartest idea to do his undercover schemes is through being a tricycle driver. He taught us very well that in the four months he stayed with us, he left us with discipline and courage to protect ourselves from danger.

And then came college, where i got the opportunity to learn taekwondo free of charge.. ( because it was in the pe curriculum) I was then trained to be a varsity player. I was in awe with my other players because they are really good. Though i got a belt and trained in the SPEARS gym for two years, my promotion diminished as i shifted to other sports-- basketball.
Yet all that i learned from my coaches i kept in my heart especiall the self defenses.
The most important thing i learned from these martial arts is to protect myself from any iompending danger and the best way to do that is to run-- yes you heard it right... RUN away.
And i followed it. I remembered a night when i had to use the advise. I was going home then after our evening basketball practice from School. I took my usual route, the dark alley heading the Supreme COurt building and entering the upper session road. I love the streets then because it was too silent and breezy which calms my mind. When i was about to exit the street, three men suddenly approached me and asked for my ID. I distanced myself from them and weighing what they want. Subconciously, i was already planning to attack whatever happened. I tightened my grip to my umbrella. They continued to approach me and asked for my ID and then suddenly, one threatened me that if i dont' give what they want i wll be like one of my schoolmate who was stabbed near the dorm. I was alarmed when the other one went to my back and the one got even hyper and shouted at me. I was about to attack when a truck suddenly passed by. I took this time to asked for help, luckily a taxi stopped infront of me. i ran towards the taxi and asked for help. I was taken home safely. It was creepy and i promised to myself not to pass that alley again at midnight.
--
In our lifetime, we always seek for self preservation and we always want to defend ourselves from any danger that would incapacitate us or to end our lives. We tend to protect ourselves from anything that would hurt us. We want to limit our exposure to risks. And because we already know the result to any hurt that we faced, we tend to become more and more intolerable of pain.
It's basically human nature, noone is to blame. But it is upon us to rise up and face the challenge, to grasp the learnings of the mistake we committed and to glued ourselves with courage to continue.

We always want to conquer our fear that's why we always always putting up our defenses. or we are too coward to face our being afraid so we hide behind those defenses, like the gears we put up everytime we practice sparring.
Again, it's upon us if we want to take away the gears for our defenses and try to fight without them. It's upon us to attack the problem instead become passive in solving them. It's upon us to conquer the fear inside. In the end, the most important thing is not in winning or losing, its standing to fight, to have strength to attack and take the risks........
kyong ne ! si ja!

F.M.A
-- i know a man like you have many defenses, but i will try to tear them down. be ready for my attack!!!!

Bubuyog Talk 2: Alagaing Partido

Isang napakabasang araw ang sumalubong sa akin ngayon. Isa ito sanang abalang sandali dahil nakasked ang bandang princesa para mag-ensayo dahil kinabukasan ay performance namin sa PSU freshmen orientation. Ngunit dahil nagmistulang swimming pool ang bakuran ng drummer namin, may meeting ang kapatid ko sa simbahan at late si poypoy, si emil na ang tagal na naghintay gusto na umalis, at ang ulang nagngangalit ang lakas, nagdesisyon akong ihinto muna. Buti na lang at nagtext ang kua donald na postponed din ang freshie orye at na-resked ng june 15.

Pagkatapos noon, dumiresto ako kina mema, dahil kailangan nila si alisia sa kaniiang ensayo sa bahay nila. Dahil matagal tagal na rin kaming di nagkikita, sumaglit muna ako sa kanila at nagkwentuhan ng mga buhay buhay. Sa aking paglalahad ng ilang mga pangyayari sa aking linggo, napagalitan niya ako at sinabing kasalanan ko kung bakit lumalayo ang mga lalaki sa akin.. Kasi kapag humanga daw ako eh sobrang napaka transparent ko. kaya nahihiya silang lahat para sa akin dahil ako ay nakakahiya. sabi pa niya, buti na lang daw at ang mga hinahangaan ko ay hindi oportunista.

Ang totoo, meron akong dinadraive na point kay mema at hindi ito simpleng paglalahad lamang. at kahit medyo nakaka-offend ang pagkakasabi niya, natuwa ako at nakita niya ang punto ko.
o sige magkuwentuhan muna tayo-- mahaba ang blog na ito...
Ito'ng ganitong perspektibo ang sinasabi ko kay kuya allen ang iniiwasan ko. Sinasabihan ako nikuya allen na magpakatotoo sa sarili ko at gumawa ng paraan para ilahad kung ano ang nilalaman ng puso ko. PEro di ko nga kaya, kasi sa totoo lang, duwag din ako. at takot na takot. ang kaya ko lang amini ay paghanga at di pag-ibig.
magkaiba iyon eh. Mabilis akong humanga sa mga taong may potensyal. Mabilis akong humanga sa mga taong may katangiang gusto ko. Ngunit, matagal akong magmahal. Matagal akong magbigay ng pag-ibig. It does not follow na dahil crush kita o inaadmire kita eh naulog na ako sa'yo o mahal na kita agad. Hindi totoo yan!

Matagal na proseso at inaaply ko ang survival of the fittest. Iyon nga lang sa history ng aking lovelife-- wala akong maraming manliligaw. Ang mga nakarelasyon ko ay kasama sa pangkat ng aking mga kabarkada. In short, lagi kong kasama. In short, nadedevelop ako at hindi love at first sight. walang ganun.
Sa mga nagustuhan ko naman noon, wala namang gusto sa akin. HIndi ako napapansin, kasi mas astig pa ako sa kanila. Parang naririnig ko sa kanila na nagsasabi na, "eh parang mas lalaki pa iyan sa akin eh, paano ko yan aalagaan baka mamaya mas barako pa sa akin yan" Uso kasi noong highschool na darling na babae ang mahinhin at tipong laging ipagtatanggol ng lalake. Kabaliktaran ako noon. Kaisa ako nila, kahit nakapalda ako, tingin sa kin one of the boys. KAya marami ang na-iintimidate.
Me advantage un-- wala akong ka-relasyon noong highschool at natuto akong maghintay nang right time to be involved sa relationship. DisaDVantage?- ung self security ko na maging babae, mejo nabawasan. Buti na lang mabait si Lord, kasi in-equip nya naman ako ng mga skills na kukumpleto sa akin bilang tao-- hindi lang ang pagpansin sa kagandahn ng isang babae-kundi ang worth niya...
Kaya ko siguro sinagot ang unang lalakeng nanligaw sa akin- prof ko sa history, noong college ako. Barkada ko sya noon kasi sa Pahinungod, isa sa mga batang bata guro. Dati tinitreat niya lang kami sa Mcdo. PEro naging close kami noong nagbreak sila noong gf niya. na weirduhan ako sa pagiging broken niya kaya ayan. di ko namalayan, narito sa puso ko na kailangan ko syang pasayahin. ewan ko kung bakit.
Nanligaw sya noong umalis na siya sa UP. Nanligaw sya na di ko alam na nililigawan niya ako. Anim na buwan din un. nakakatanggap ako ng bulaklak at mga tula at love letters. Unang relasyon kaya may timyas sa puso. Matalino ang taong iyon, maganda ang boses at matipuno. Sya ang unang nangharana sa akin at naglakas loob na nagsabing " ICARE!" dahil una ayan, kinilig. after 6 mos nang lihim na panliligaw, umamin sya na mahal niya ako, eh gusto ko na sya noon sinabi ko rin ung nararamdaman ko not knowing iyon na pala un, nagkaroon ako ng unang karelasyon. Tumagal din ito ng halos 3 taon. Ang mala-fairy tale na istorya ay napalitan ng horro movie. It's not what i expected it to be. passe man ay totoo ang reality bites. Kaya umalis ako sa relasyon na ito. Dahil nakalimutan ko kung sino ako. masaya sana kung wala ang grabeng part....
dalawang taon din akong di naghanap ng mamahalin. ang alam ko lang noon, kailangan kong mahalin ang sarili ko. at maglingkod sa Diyos. Punan muli ang kakulangan sa puso ko (nyaks cheesy). Dalawang taon din akong nag dasal at naghintay.This time napaka detailed ang hiniling ko sa Diyos-- lalo na sa itsura. humingi ako ng gwapo kahit di kasing talino noong una kong bf.basta mahal ako at irerespeto ako. pareho sana kaming sfc para maintindihan ang likaw ng bituka ko sa paglilingkod sa Diyos.
After two years, nagkaroon ako ng answered prayer. Nakilala ko siya sa CLP ng SFC. Di ko sya ka-close noon, kasi nga suplado ang dating though dami sa group ko na may gusto sa kanya. paano ba naman, gwapo naman talga at palatawa at palabiro. Noong nagsama kami sa choir, inassign siya sa akin ni maestro na tagahatid since pareho kaming barangay. Aun nalaman ko na mahilig din syang magjog kaya nagkaroon ako ng jogging partner. sa three mos naming araw-araw at gabi gabing magkasama, ang pagtakbo namin pala sa sports complex ang magtatawid sa amin sa susunod na baitang ng relasyon. Sya naglakas loob siyang umamin sa akin, though tinutukso na kami ng sfc. kasi lagi kaming magkasama. ako ito, kinikilig kapag pinapatawa niya sa jogging namin. napapansin ko ring lagi syang nakatingin sa akin. So after 3 mos, umamin sya sa akin. dahil gusto ko sya at tingin ko ready na ako ayan nagsabi ako na gusto ko sya pero hiniling ko na dalawin niya ako sa bahay para makilala sya ng magulang ko. NGunit di pa nagsisimula ang lahat may aberya na.... humawak lang sya sa pagmamahal ko kaya nagpatuloy kami.
Tumagal ito ng halos apat na taong relasyon.Napag-uusapan na namin ang kasal. At naghihintay na lang ako sa kanya. Ngunit, di rin ito nauwi doon. ang saklap hehehe. kasi hinahanda ko na kasi ang sarili kong maging misis niya. Un lang, di ko na talaga kayang maghintay. napagod ang puso ko........ (di ko na eelaborate) Potensyal talaga sana kami. kaso ano ba ang gagawin mo kung di naman kayo sabay lumago? ang daming nanghinayang sa amin. Kahit ako, oo nanghinayang ako noong una. pero sa mga sumunod na pangyayari-- napagtanto kong tama ang desisyon ko.
ayan ang love story ko. hehehe. Dalawa lang silang naglakas loob mahalin ako at naglakas loob akong mahalin sila.
Sabi ng kaibigan ko, bakit daw ako attracted sa mga taong maraming extra baggage sa buhay. BAkit parang gusto ko laging mag-alaga ng tao kaysa alagaan ako?
Naku naman, gusto ko ring maalagaan noh. iyong tipong irerespeto ang indibiduwalidad ko at hindi ma-iinsecure sa akin ang lalaking mahal ko. Nagkataon lang kasi na gusto ko silang pangitiin. Gusto ko lang sanang makapagbigay ng gaan ng loob, dahil kahit mahirap ang mabuhay, masaya na may karamay.
Siguro dahil gusto kong maranasan lagi na kailangan ako. siguro ganun. PEro gusto ko rin makita ang taong kailangan ko..
sabi ni kuya donald, mas masarap naman daw ang mag-alaga kaysa alagaan eh. Heheh at may iboboto raw syang tao para sa alagaang partido. hehehe
Nung nagtanong ako kung sino naman ang mag-aalaga sa akin-- ito ang sagot niya--
Si Lord.

---
Napagtanto ko, na naghahangad ako ng taong mamahalin o mamahalin ako, nakalimutan ko na nasa aking puso na Iyong mas may kapangyarihan ng pag-ibig.
nag-iisa man ako ngayon at walang ka-relasyon- di ito nagpapahiwatig na nakakaawa ako at nanlilimos ng pagmamahal. narito na pala iyon sa akin. kaya siguro mas gusto ko ang mag-alaga, dahil binusog ako ng pagmamahal ng Diyos na gusto ko lamang ibigay din sa ibang nangangailangan....

Alam ko balang araw, may ibibigay din sa akin ang Diyos nang tamang taong magtuturo sa akin ng balanse ng pag-aalaga. ngunit di pa ngayon, binubuo pa Niya ako. IYon naman ang dalangin ko eh, hindi na ngayon sa taong gusto ko... kundi iyong gusto Niya para sa akin. dahil mas alam niya ang tama at nararapat.


----
Sa kasalukuyan- humahanga lang ako sa mga talento ng ipinagkaloob ng Diyos.
hindi pa ito paralel sa pagmamahal na hinahanap ko.
ngunit salamat pa rin sa mga estranghero sa daan na naging instrumento ng Diyos para mahanap ko ito.. at matagpuan ang sarili ko.....

---
realisasyon.




Bubuyog Talk 1: Stranger

One disturbed and uneasy night, i succumbed to my pen. I dilly dally wrote a very cheesy two linesfor a four verse poem. As i progressed, i realized it lacked the apathy i want it to bear. So i tore down the paper and reached for a new set of yellow pad when i accidentally read a poem i have written a year ago.

I browsed the poem. a very simple and enduring poem, i observed. Suddenly, my heart's rumbling to create a tune for that sincere poem.

I caught my guitar and plucked a few chords and the melody became clearer and clearer as i heard my heart sang.

I, of course corrected some lines to fit it for a song. I strummed my guitar the whole night and the lyrics and music lingered so much in my mind.

it was almost dawn when i gathered myself and surrendered to rest. I didn't realize i created something subconciously bothering me.

it was a tradition always, in my production of songs, if the tune remained in my head it was meant to be created. In the case of this unfinished song, it ruled me for a day.

So to stop the haunting, i went to kuya sherwin for help. We played around the arrangement. we started having its jazzy beat. At first i intended it to be just POP ballad, but as Kuya she discovered altering chords the song progressed and the final touch was --again-- Rock Ballad.
I like what he did. i love the guitar arrangement. It evolved into a sweet rock ballad. After recording it through an MP4. i got excited to let it be heard by everybody forgetting that the very inspiration of that song is present. Well, he will not give any damn about the song anyway. So i started sharing it with friends except him of course.

(This is the catch of this blog- But really i want to share the song with him. The problem is that i think he really is avoiding me. And i don't know the reason why. Anyway, this is just an opinion- not the truth. The song is resonating his name but he kept his ears locked and his heart freezed, frigid. For me, though it's a bit lonely, i accept it.. and maybe after this song.. my heart will again seek for letting go..)

In this bubuyog talk, i have to make a decision. While i am so guilty of being so transparent and very lost because of his presence, I am now relieving myself of self pity and condemnation. I am relieving myself of tension and pressure. I am relieving myself from this imagination. I will move on again. forgetting what has been laid upon me are just sheer and pure fantasy-- not tangible reality.
The flower is passive, never the active one in the pollination. The bee is always the one who comes near to the flower and while the flower painfully withers, it patiently wait for other bees to realize its worth and its beauty. It will patiently wait for that right bee to make it bloom again.
And when finally a stranger bee gets attracted to its petals, the petal will always be faithful and loyal to that bee; that it will always give the sweetest nectar it has for that one special bee......

But for now, the petals will have to sway with the wind to shrug off the intangibles....

ang bubuyog at ang princesa

Panimula.
Dahil sa gusto kong mas ma-organisa ang mga diwa ko sa pagsusulat ko ng segment na BUBUYOG talk, mas mainam na magkaroon na lamang sya ng ibang blog na ako pa rin ang namamahala. at dahil gusto kong maglawig ng mabuti sa pagsulat ng talata at sanaysay, heto ang blog na nito para doon.
ang Bubuyog at ang princesa ay di iiba sa ibang mga istroya ng buhay, kabilang dito ang pagkabigo, pag-asa at pagmamahal. nariot ang pag-ibig sa bayan , ang pagsugpo sa tanikala nagpapalunod sa ating pagkafilipino at ang mga kaugaliang dapat nating pagyamanin at wag kalimutan.
hindi ito isa nanamang blog. isa na itong paglalahad.....