Kagabi ( June 21, 2009), lumabas ang mga dating YFC's. Reunion nga ang dating kasi, dumating ang kuya mike eleazar after ng kanyang wedding niya, nagpakita rito sa palawan. So nag-organize ang ate net para magkatipun-tipon kami. text brigade ang drama ng lola mo, kami naman ni babang na-excite.. syempre ako rin makikita ko ang kuya mike after so many years!
si kuya mike ang idolo ko sa YFC pagdating sa pagitara. Nung nakita ko sya sa youth camp dati na tumutugtog ng gitara at kumakanta, eh talagang elibs ako. ISa sya sa mga dahilan din nung elementary ako na ipursige ang pag-aral pagtugtog ng gitara. More than that, magaling din syang songwriter. Noong highschool ako, gumagawa na siya ng mga songs niya at pinaparinig niya sa amin. BAgsak lang ang panga ko lagi, lalo na pag naririnig ko ang husky voice ni kuya mike..
Kaya sa apat na hearthrob ng yfc noon- talagang crush ko ang kuya mike. Kaso ako ang taong pag-KUYA na ang turing kuya na walang hanggan. hehe.
Pero nanatili siya na isa sa mga influences ko pagdating sa songwriting. Ang huli naming kolaborasyon ay ang Youth at the Frontline na pinerform pa namin sa PYC dati. Pati pa la ang pagbabalik na hinahanap ko pa ang tape na pinagrecordan namin kasi gusto ko sya ipakanta sa iba....
at dahil nga sabik sa pagbabalik ni kuya mike, kahit di ako madalas sa salo at kahit na mejo mahihirapan akong magpaalam kay mama, hala sige, talagang sumama pa rin ako. pagtapos ng mass, sinundo na namin sila ate janet, ate meann at ate jen. eh dumating naman agad ang kuya richie kaya dun na sila sumakay. nauna na kami ni babang sa salo.
pagdating dun syemps kamustahan to the max! at syemps ako pabida kay kuya mike ng mga songs na gawa ko. at apbida sa lahat ng bago kong crush. tawa lang ang ate mean eh.
habang ang ate janet, the usual very hospitable ate, lahat inaalala.
mga 9pm, nagsimula na ang tugtugan at syemps ang paborito kong banda ang may gig ngayon-soundoze!
pagkatapos noon, akala ko nakalimutan na nila ang tungkol sa crush ko. nyay hindi pa pala. nagtatanong nga si ate jen sa akin kung sino. eh naalala ko na taga pilot sila. nasabi ko tuloy ang pangalan.
hala ito ang reaksyon:
" Siya?"
"opo"
"Good boy na ba sya?"
nagkatitigan kami ni babang.
"naging bad ba sya ate?"
"na discourage kasi ako sa kanya
nung nagkaroon kami ulit ng communication nung nasa manila sya eh
mejo below the belt ang mga text"
"gaya ng?"
"tinatanong ako kung ano ang suot ko ngayong gabi mga ganung bagay"
"tsktsk"
" saka grabeh ka rugged looking yan siya. tahimik pero nasa loob ang kulo
nagtatawanan na ang mga barkada niya sya tahimik lang"
" ooppss"
" tapos meron pa nga syang mga letters sa akin, alam monaman di kayang mag-express "
"hmmm"
natatawa lang ako sa nalaman ko. sabay text pa ni kuya donald hehehe. hay naku rebelasyon nga naman.
pero di bale na kasi ang buong gabi ay pinuno ni kuya mike ng musika. nagconcert sa salo hahaha at tlagang reunion ng yfc kasi they've conquered the stage!!
ang saya ng gabi lalona nung kumanta sila ambo, kuya richie at ka mike ng sister golden hair!
i've missed with those guys.....
sana maulit......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment