Sunday, June 14, 2009

bubuyog talk 4: tula

Kagabi hanggang kaninang madaling araw, walang puknat ang kwentuhang aligaga namin ni Kuya Donald. NApahaba ata ang kwentuhang iyon dahil sa ginusto kong malaman niya na minamahal ko ang panulaan.

Ang tula kasi, isa sa mga outlet ko sa buhay. dito ko nabubuhos ang mga tinatago kong damdamin. dito ko sinasabi ang mga di ko masabi nang di ako mabubuko, di ako mabibisto.

sabi ni kuya donald kagabi, dapat lang na ang mga tula ay basahin ng maka-ilang beses para unawain. kaso daw iyong sa akin, halatado..
sabi ko sa kanya, kaya lang naman iyon halatado dahil may alam sya sa akin.. laging mayroong ibang kahulugan ang mga habi ko. di iyon iisang paksa lamang.. unti-unti nakikita ang lalim ng mga pinaglalaruang salita.. nakatiklop ang ideya sa mga simple at litu litong panitik.

minsan lang ulit ako makakagawa ng tulang nagpapantig ng utak.. kasi ngaun mukhang puso lang ang nanaig eh...
di bale sa mga susunod na araw, susubukan kong magpadugo ng utak.. kahit minsan lang..

(i-eedit ko ito)
"ito nanaman sya."

kalimitan, ang inaaninag ko ay bitwin
at ang kalawakan
at hindi ang kwadradong screen na ito

wala akong balak na pagnasahan
ang kalawakang maari lang abutin
dahil iba ang naisin
iba .

sana nga lang kung totoo ang naka imprenta
sa'yo
sanay mayakap kita ng buong buo
para wala na itong
pangungulilang todo..


hay naku

No comments:

Post a Comment