Isang napakabasang araw ang sumalubong sa akin ngayon. Isa ito sanang abalang sandali dahil nakasked ang bandang princesa para mag-ensayo dahil kinabukasan ay performance namin sa PSU freshmen orientation. Ngunit dahil nagmistulang swimming pool ang bakuran ng drummer namin, may meeting ang kapatid ko sa simbahan at late si poypoy, si emil na ang tagal na naghintay gusto na umalis, at ang ulang nagngangalit ang lakas, nagdesisyon akong ihinto muna. Buti na lang at nagtext ang kua donald na postponed din ang freshie orye at na-resked ng june 15.
Pagkatapos noon, dumiresto ako kina mema, dahil kailangan nila si alisia sa kaniiang ensayo sa bahay nila. Dahil matagal tagal na rin kaming di nagkikita, sumaglit muna ako sa kanila at nagkwentuhan ng mga buhay buhay. Sa aking paglalahad ng ilang mga pangyayari sa aking linggo, napagalitan niya ako at sinabing kasalanan ko kung bakit lumalayo ang mga lalaki sa akin.. Kasi kapag humanga daw ako eh sobrang napaka transparent ko. kaya nahihiya silang lahat para sa akin dahil ako ay nakakahiya. sabi pa niya, buti na lang daw at ang mga hinahangaan ko ay hindi oportunista.
Ang totoo, meron akong dinadraive na point kay mema at hindi ito simpleng paglalahad lamang. at kahit medyo nakaka-offend ang pagkakasabi niya, natuwa ako at nakita niya ang punto ko.
o sige magkuwentuhan muna tayo-- mahaba ang blog na ito...
Ito'ng ganitong perspektibo ang sinasabi ko kay kuya allen ang iniiwasan ko. Sinasabihan ako nikuya allen na magpakatotoo sa sarili ko at gumawa ng paraan para ilahad kung ano ang nilalaman ng puso ko. PEro di ko nga kaya, kasi sa totoo lang, duwag din ako. at takot na takot. ang kaya ko lang amini ay paghanga at di pag-ibig.
magkaiba iyon eh. Mabilis akong humanga sa mga taong may potensyal. Mabilis akong humanga sa mga taong may katangiang gusto ko. Ngunit, matagal akong magmahal. Matagal akong magbigay ng pag-ibig. It does not follow na dahil crush kita o inaadmire kita eh naulog na ako sa'yo o mahal na kita agad. Hindi totoo yan!

Matagal na proseso at inaaply ko ang survival of the fittest. Iyon nga lang sa history ng aking lovelife-- wala akong maraming manliligaw. Ang mga nakarelasyon ko ay kasama sa pangkat ng aking mga kabarkada. In short, lagi kong kasama. In short, nadedevelop ako at hindi love at first sight. walang ganun.
Sa mga nagustuhan ko naman noon, wala namang gusto sa akin. HIndi ako napapansin, kasi mas astig pa ako sa kanila. Parang naririnig ko sa kanila na nagsasabi na, "eh parang mas lalaki pa iyan sa akin eh, paano ko yan aalagaan baka mamaya mas barako pa sa akin yan" Uso kasi noong highschool na darling na babae ang mahinhin at tipong laging ipagtatanggol ng lalake. Kabaliktaran ako noon. Kaisa ako nila, kahit nakapalda ako, tingin sa kin one of the boys. KAya marami ang na-iintimidate.
Me advantage un-- wala akong ka-relasyon noong highschool at natuto akong maghintay nang right time to be involved sa relationship. DisaDVantage?- ung self security ko na maging babae, mejo nabawasan. Buti na lang mabait si Lord, kasi in-equip nya naman ako ng mga skills na kukumpleto sa akin bilang tao-- hindi lang ang pagpansin sa kagandahn ng isang babae-kundi ang worth niya...
Kaya ko siguro sinagot ang unang lalakeng nanligaw sa akin- prof ko sa history, noong college ako. Barkada ko sya noon kasi sa Pahinungod, isa sa mga batang bata guro. Dati tinitreat niya lang kami sa Mcdo. PEro naging close kami noong nagbreak sila noong gf niya. na weirduhan ako sa pagiging broken niya kaya ayan. di ko namalayan, narito sa puso ko na kailangan ko syang pasayahin. ewan ko kung bakit.
Nanligaw sya noong umalis na siya sa UP. Nanligaw sya na di ko alam na nililigawan niya ako. Anim na buwan din un. nakakatanggap ako ng bulaklak at mga tula at love letters. Unang relasyon kaya may timyas sa puso. Matalino ang taong iyon, maganda ang boses at matipuno. Sya ang unang nangharana sa akin at naglakas loob na nagsabing " ICARE!" dahil una ayan, kinilig. after 6 mos nang lihim na panliligaw, umamin sya na mahal niya ako, eh gusto ko na sya noon sinabi ko rin ung nararamdaman ko not knowing iyon na pala un, nagkaroon ako ng unang karelasyon. Tumagal din ito ng halos 3 taon. Ang mala-fairy tale na istorya ay napalitan ng horro movie. It's not what i expected it to be. passe man ay totoo ang reality bites. Kaya umalis ako sa relasyon na ito. Dahil nakalimutan ko kung sino ako. masaya sana kung wala ang grabeng part....
dalawang taon din akong di naghanap ng mamahalin. ang alam ko lang noon, kailangan kong mahalin ang sarili ko. at maglingkod sa Diyos. Punan muli ang kakulangan sa puso ko (nyaks cheesy). Dalawang taon din akong nag dasal at naghintay.This time napaka detailed ang hiniling ko sa Diyos-- lalo na sa itsura. humingi ako ng gwapo kahit di kasing talino noong una kong bf.basta mahal ako at irerespeto ako. pareho sana kaming sfc para maintindihan ang likaw ng bituka ko sa paglilingkod sa Diyos.

After two years, nagkaroon ako ng answered prayer. Nakilala ko siya sa CLP ng SFC. Di ko sya ka-close noon, kasi nga suplado ang dating though dami sa group ko na may gusto sa kanya. paano ba naman, gwapo naman talga at palatawa at palabiro. Noong nagsama kami sa choir, inassign siya sa akin ni maestro na tagahatid since pareho kaming barangay. Aun nalaman ko na mahilig din syang magjog kaya nagkaroon ako ng jogging partner. sa three mos naming araw-araw at gabi gabing magkasama, ang pagtakbo namin pala sa sports complex ang magtatawid sa amin sa susunod na baitang ng relasyon. Sya naglakas loob siyang umamin sa akin, though tinutukso na kami ng sfc. kasi lagi kaming magkasama. ako ito, kinikilig kapag pinapatawa niya sa jogging namin. napapansin ko ring lagi syang nakatingin sa akin. So after 3 mos, umamin sya sa akin. dahil gusto ko sya at tingin ko ready na ako ayan nagsabi ako na gusto ko sya pero hiniling ko na dalawin niya ako sa bahay para makilala sya ng magulang ko. NGunit di pa nagsisimula ang lahat may aberya na.... humawak lang sya sa pagmamahal ko kaya nagpatuloy kami.
Tumagal ito ng halos apat na taong relasyon.Napag-uusapan na namin ang kasal. At naghihintay na lang ako sa kanya. Ngunit, di rin ito nauwi doon. ang saklap hehehe. kasi hinahanda ko na kasi ang sarili kong maging misis niya. Un lang, di ko na talaga kayang maghintay. napagod ang puso ko........ (di ko na eelaborate) Potensyal talaga sana kami. kaso ano ba ang gagawin mo kung di naman kayo sabay lumago? ang daming nanghinayang sa amin. Kahit ako, oo nanghinayang ako noong una. pero sa mga sumunod na pangyayari-- napagtanto kong tama ang desisyon ko.
ayan ang love story ko. hehehe. Dalawa lang silang naglakas loob mahalin ako at naglakas loob akong mahalin sila.
ayan ang love story ko. hehehe. Dalawa lang silang naglakas loob mahalin ako at naglakas loob akong mahalin sila.
Sabi ng kaibigan ko, bakit daw ako attracted sa mga taong maraming extra baggage sa buhay. BAkit parang gusto ko laging mag-alaga ng tao kaysa alagaan ako?
Naku naman, gusto ko ring maalagaan noh. iyong tipong irerespeto ang indibiduwalidad ko at hindi ma-iinsecure sa akin ang lalaking mahal ko. Nagkataon lang kasi na gusto ko silang pangitiin. Gusto ko lang sanang makapagbigay ng gaan ng loob, dahil kahit mahirap ang mabuhay, masaya na may karamay.
Siguro dahil gusto kong maranasan lagi na kailangan ako. siguro ganun. PEro gusto ko rin makita ang taong kailangan ko..
sabi ni kuya donald, mas masarap naman daw ang mag-alaga kaysa alagaan eh. Heheh at may iboboto raw syang tao para sa alagaang partido. hehehe
Nung nagtanong ako kung sino naman ang mag-aalaga sa akin-- ito ang sagot niya--
Si Lord.
---
Napagtanto ko, na naghahangad ako ng taong mamahalin o mamahalin ako, nakalimutan ko na nasa aking puso na Iyong mas may kapangyarihan ng pag-ibig.
nag-iisa man ako ngayon at walang ka-relasyon- di ito nagpapahiwatig na nakakaawa ako at nanlilimos ng pagmamahal. narito na pala iyon sa akin. kaya siguro mas gusto ko ang mag-alaga, dahil binusog ako ng pagmamahal ng Diyos na gusto ko lamang ibigay din sa ibang nangangailangan....
Alam ko balang araw, may ibibigay din sa akin ang Diyos nang tamang taong magtuturo sa akin ng balanse ng pag-aalaga. ngunit di pa ngayon, binubuo pa Niya ako. IYon naman ang dalangin ko eh, hindi na ngayon sa taong gusto ko... kundi iyong gusto Niya para sa akin. dahil mas alam niya ang tama at nararapat.
----
Sa kasalukuyan- humahanga lang ako sa mga talento ng ipinagkaloob ng Diyos.
hindi pa ito paralel sa pagmamahal na hinahanap ko.
ngunit salamat pa rin sa mga estranghero sa daan na naging instrumento ng Diyos para mahanap ko ito.. at matagpuan ang sarili ko.....
---
realisasyon.

No comments:
Post a Comment